Magnanakaw, palihim na isinauli ang perang ninakaw, humingi ng paumanhin sa pamamagitan ng sulat




Image from Agbrief

Isang magnanakaw sa Ilocos Norte ang naging laman ng usap-usap doon dahil isinauli nito nang palihim ang perang ninakaw sa isang senior citizen.

Sa ulat ng Bombo Radyo, nangyari ang panloloob sa bahay ng 60-anyos na si Lilia Tacolog sa bayan ng Currimao. Agad namang nagtungo sa pulisya ang biktima upang i-report na nakuha ng magnanakaw ang halagang P11,400.

 Ayon kay Police Chief Inspector Ryan Retutar, hepe ng Currimao-Philippine National Police, nagtungo sila sa bahay ni Tacolog upang magsagawa ng imbestigasyon. May nakita silang mga bakas ng daliri sa pinaglagyan ng ninakaw na pera kaya hiniling ni Retutar na isailalim sa fingerprint analysis ang mga kapitbahay at miyembro ng pamilya ng biktima.

Kinabukasan, bigla na lang umanong nakita ng biktima ang nawawala niyang pera. May kasama pa itong sulat mula sa nagnakaw at humihingi ng dispensa sa kanyang nagawa. Hindi naman nagpakilala ang magnanakaw.

At dahil naibalik na sa kanya ang pera, hindi na umano magsasampa ng reklamo si Tacolog.  ^_^

Source :

Bombo Radyo