Angelica Panganiban, pinaiyak ni Adele




Mga imahe mula sa Instagram videos

Sino nga ba ang hindi mapapaiyak sa mga emosyonal na kanta ng singer-songwriter na si Adele?

Kamakailan ay nanood ng concert ni Adele ang kilalang Filipina actress at dating childstar na si Angelica Panganiban at hindi umano nito napigilang maging emosyonal sa mga kantang inawit nito.

Ayon sa Abante, bumiyahe pa patungong Australia si Angelica para manood ng concert ni Adele. Kasama niya roon ang kanyang close friend na si Direk Andoy Ranay, na kadalasan ay kasama rin niya sa tuwing nanonood ng volleyball games ng Ateneo.

Masayang-masaya si Panganiban habang pinanonood ang idolong si Adele.

“Isa kang himala! Isang simpleng pangarap. Madalas kitang pakinggan sa plaka. Manood ng mga kwento mo. Umiyak at tumawa kasabay mo. Salamat! Habambuhay na ang koneksyon na meron ako sa ‘yo. Sapat! Sulit! Salamat, Ate Adele!” sabi niya sa isang post.

“Isa kang henyo, mahusay at mabuting tao. #AdeleSydney From PH to Sydney just to witness your awesomeness, Ninang Adele,” dagdag pa ng aktres.

Pagkatapos ng concert, nagbahagi si Ranay ng isang Instagram story, kung saan makikita na mukhang galing sa iyak si Angelica.

“Kaya pa ba, ‘teh?” biro niya kay Panganiban.

Nagbahagi rin si Panganiban ng video mula sa concert. Panoorin ang pasabog na entrance ni Adele: