Pimentel: Sa halip Pulis Scalawags, Ipadala ang mga Mahuhusay na Pulis sa Mindanao




Larawan mula sa public domain at file photo

“Give Mindanao the best men in uniform. Mindanao deserves nothing less.” 

Binigyang-diin ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Philippine National Police (PNP) na imbes ipatapon ang pulis scalawags sa Mindanao, ipadala ang mga mahuhusay sa serbisyo.

Iginiit ni Pimentel kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na alisin ang kasanayan na pagpapatapon sa pulis scalawags sa Mindanao para lang malinis ang dangal ng 160-thousand-strong police force sa gitna ng mga reklamo hinggil sa pang-aabuso ng mga pulis kaugnay sa ‘war on drugs’.

“They should not be recycled and sent to far-away postings as punishment. This will merely transfer the problem, not put a stop to it,” saad ni Pimentel.

Ani Pimentel, dapat igalang ng PNP ang Mindanao katulad ng respeto na deserve ng lahat ng Pilipino na hindi alintana ang kanilang pananampalataya, kultura at economic status, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Dismayadong sinabi rin ni Pimentel, dapat mag-file ng administrative cases, i-expel o ibalik sa Police Academy para muling mag-aral at sa re-orientation ng mabuting asal, ayon sa ulat ng Inquirer.

Ginisa naman mga senador si Dela Rosa noong Huwebes sa Senate committee hearing tungkol sa kaugnayan ng senior police officers sa ‘tokhang for ransom’.

Sa pagdinig, kinumpirma ni Dela Rosa si SPO3 Ricky Sta. Isabel, bilang pangunahing suspek sa kidnap-slay  kay Korean businessman Jee Ick Joo, at pinaghihinalaan din na may kinalaman sa kidnapping sa isang babae noong 2007.

Source :

Inquirer, ABS-CBN