Mocha Uson, rumesbak sa aktor na si Edgar Alan Guzman




Image from Mocha Uson Blog

Bumuwelta ang kontrobersiyal na blogger at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) member na si Mocha Uson kay Edgar Alan Guzman na nagsabing tinawag umano ni Uson na “basura” at “malaswa” ang ilang eksena ng “abuso ” isang episode ng drama anthology na “Ipaglaban Mo,” kung saan kabilang ang aktor.

Isa-isang sinagot ng palabang si Uson sa kanyang blog ang mga akusasyon ni Edgar Alan.

“Wala akong sinabing basura ang programa mo o ang acting poSana pinanuod mo muna yung FB LIVE ko bago ka nagsalita,” wika ng MTRCB board member na kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Inquirer ang self-regulation ng mga TV networks ang tinututulan ni Mocha Uson.

“Ipinalabas ang ‘**** scene’ ng ‘Ipaglaban Mo’ na hindi ni-review ng MTRCB dahil may tinatawag na self-regulation ang TV networks na aking tinututulan. Noong ipinalabas ang ‘**** scene’ na ‘yun ay nagkaroon ng negatibong reaksiyon ng mga manonood at kanilang tinawag ang aking pansin bilang board member ng MTRCB,” ani Uson.

Ang tanong ng mga magulang/manonood ay kung paano ito nakalusot sa MTRCB at naipalabas sa TV dahil ang violent **** scene na ito ay hindi naaangkop sa kabataan,dagdag pa niya.

Isa pa, babanggitin mo pa ang dalawang seksing pelikula na ginawa ko noon at ikukumpara mo sa programa mo sa Telebisyon? Para sa kaalaman mo magkaiba ang pelikula at telebisyon,” ani Uson tungkol sa binanggit ng aktor mas maayos ang episode ng “Ipaglaban Mo” kumpara sa 2 pelikula na nilabasan niya (Uson)  noon.

Tinapos ni Uson ang kanyang banat sa aktor tungkol sa isyu ng respeto.

At Mr. Edgar Alan, kung gusto mo ng konting respeto sa mga artistang Pilipino baka gusto mo din konting respeto din sa mga batang manonood, aniya.