Exhibitionist na nagpakita ng kahalayan sa isang call center agent, ********




Isang 21-anyos na lalaki ang inaresto ng  mga tauhan ng Philippine national Police-Highway Patrol group matapos ireklamo ng pambabastos sa isang babaeng call center agent.

Kinilala ang suspek na si Regin Desoyo na maaari umanong sampahan ng mga kasong unjust vexation at sexual harassment.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nagpakita umano ng kahalayan ang suspek habang nasa ibabaw ng isang pedestrian overpass sa C-5 Road. Kwento ng biktima, tinawag umano siya ni Desoyo habang papauwi dakong alas-nuwebe ng umaga mula sa trabaho at nang lumingon siya ay nakita niyang nakababa ang pantalon ng suspek.

“Tinawag niya ako na ate, ‘di ko na naintidihan ‘yung sinabi niya kasi paglingon ko po, nakababa na yung pantalon niya,” saad ng biktima.

“Naaawa po ako sa kanya pero the way he acted kanina, hindi ko po talaga ma-explain natatakot ako,” dagdag pa ng dalaga.

Nang dalhin ng pulisya si Desoyo sa presinto ay todo sa pagmamakaawa at pakiusap na patawarin na siya ng biktima.

Panoorin ang video ng pag-aresto sa suspek:

 

Source :

GMA Network