Bong Revilla kay Jim Paredes: “Kahiya-hiya ka”




Image from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Naghayag ng saloobin si dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla sa nangyaring engkuwentro sa pagitan nina Apo singer Jim Paredes at ilang miyembro ng Duterte Youth noong Sabado sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power.

Sa kaniyang Facebook post noong Pebrero 26, tinawag ni Revilla na si Paredes na ‘tyrant’, ‘diktador’ at may napakasahol na asal.

“The future belongs to the youth, and those youth exercised their freedom to express their beliefs. You stood in their way saying they had no right to do so. Ipinakita mo ang tunay na kaanyuan ninyong mga dilawan,” ayon sa nakakulong na aktor.

“Na sa inyong mga utak, kayo lang ang tama at kung hindi niyo kakampi, dapat ihiya at pagdusahin,” dagdag pa nito.

Ito rin daw ang ginawa sa kaniya ng mga ‘dilawan’, na ang tinutukoy ay ang kaalyado ng nakaraang administrasyon na nagpakulong kay Revilla.

Image capture of Bong Revilla's post
Image capture of Bong Revilla’s post

Iginiit din ng dating mambabatas na ang tunay na People Power ay ang mga Filipino, at kailanman ay hindi ang mga ‘dilawan’ lamang.

“Kayong mga dilaw ang umagaw nito sa mga tao para makinabang at mamunini. Kayo ang nagnakaw ng EDSA sa tao. You ruined EDSA. Kayo ang bumaboy sa People Power, na kitang-kita sa ginawa mo. You do not embody the Filipino,” patuloy pa ni Revilla.

Pinatutsadahan din niya si Paredes at sinabing: “Just because you were in EDSA in 1986 and wrote a song for it does not make you an authority of People Power.”

Kailangan na umanong tanggapin ng mga ‘dilawan’ na nalipasan na sila ng panahon at hindi na nila maaari pang lokohin ang taumbayan.

Ang asawa ni Revilla na si Rep. Lani Mercado at anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla ay kasama sa mga dumalo sa ginanap na vigil sa Luneta ng mga pro-Duterte supporters kasabay ng selebrasyon ng EDSA.

Basahin ang buong pahayag ni Revilla DITO.

Source :

Facebook