Sen. Tito Sotto: “Kung kada may kasalanan ang pulis eh resign kaagad, every week bago ang chief!”




Public Domain image

Nagbigay ng reaksiyon si Senador Vicente “Tito” Sotto III sa mga panawagan na magbitiw sa kanyang puwesto si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald De la Rosa.

Sa isang post sa kanyang Twitter account, ito ang sinabi ng senador: “Ang problema, kapag lahat ng kasalanan ng mga pulis dapat resign ang chief, every week bago ang chief!”

Ang panawagan na mag-resign ang PNP Chief ay bunsod ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo. Ilang miyembro ng kapulisan ang sangkot sa krimen.

Kamakailan lang, hinamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign si De la Rosa upang hindi na umano mabigyan ng lalo pang kahihiyan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos maiulat na si Jee Ick Joo ay sa loob mismo ng Camp Crame pinaslang.

Ani Alvarez, wala na umanong respeto kay De la Rosa ang mga kapulisan kaya nagawang sa loob mismo ng national headquarters ng PNP ginawa ang krimen.

Tito Sotto Image from Tito Sotto's Twitter account