[Panoorin] Pawikang Inalagaan ng Mangingisda ng 8 Taon, Ayaw nang Bumalik sa Dagat




Image capture of video by GMA News via You Tube account

(Tagbilaran City, Bohol) Tila ayaw nang bumalik sa dagat ng pawikang inalagaan ng mangingisda sa loob ng walong taon.

Ani Vicente Igang, inalagaan niya ang pawikan mula nang sumabit ito sa kanyang lambat.

Kamakailan, napagpasyahan ni Igang na ibigay ang pawikan sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Pinakawalan ng CENRO ang nasabing pawikan sa dagat, ngunit pilit itong bumabalik sa dalampasigan. Ayon sa paniniwala ng CENRO, ayaw mahiwalay ng pawikan sa nag-alaga sa kanya.

Napagdesisyunan ng CENRO na ibalik muna ang pawikan kay Igang, ngunit kukunin muli ito ng CENRO upang madala sa angkop na pasilidad.

Ang pawikan ay may maayos na kalusugan at kilala sa tawag na ‘Mikmik’, ayon sa ulat ng GMA.

Ang pawikan ay kabilang sa most endangered marine species ng mundo. Ang pagbebenta nito ay ipinagbabawal ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora, ayon sa ulat ng Business Mirror.

Panoorin si Mikmik, ang pawikang tila ayaw nang bumalik sa dagat