[Panoorin] Ellen Adarna, Baste Duterte, Pinatunayang Sila’y  #ExGoals na




Larawan mula sa Instagram ni Ellen Adarna

MANILA — Maaaring nagwakas na ang kanilang relasyon ngunit mananatili ang kanilang pagkakaibigan.

Tila ngang sina sexy actress Ellen Adarna at ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sebastian “Baste” Duterte ay #ExGoals na.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nooong Martes ng gabi ay ibinahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram account ang kaniyang nakaaaliw na video ngunit ‘hugot’ na usapan kasama sina Baste at isa pang kaibigang babae.

Ayon sa kanilang usapan na nasa wikang Bisaya, tinanong umano si Ellen ng kaibigan kung bakit tila pumapayat ito.

Hinala ng kaibigan:  “Are you not eating? Is it because of the break up?”

Agad namang sumagot si Ellen: “Ako ba ang victim? Hindi naman ako ang victim ah.”

Tayong dalawa,” ani Baste.

Nakasaad din sa Instagram na dapat ang dating magkasintahan ay walang bitterness sa isa’t isa at dapat mag-move on nang masaya.

Kamakailan ay inamin ni Ellen na hiwalay na sila ni Baste: “Hindi na po kami. 2016 pa po ‘yon. Bagong taon na. At para manahimik na tayong lahat.”

https://www.instagram.com/p/BPpbxdUAQL5/