Birthday Wish ni Dela Rosa: “Mga Pasaway na Pulis, Magbago Na Kayo”




Imahe mula sa Facebok Page ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

Birthday wish ko lang sana ‘yung mga sindikato ng kapulisan magbago na. Ito lang ang wish ko,” ayon kay Dela Rosa.

Walang ibang hiling si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa para sa kaniyang ika-55 taong kaarawan kundi ang pagbabago ng kaniyang mga pasaway na kasamahan.

Nagdiwang ng kaarawan si Dela Rosa  na may  shooting event sa Camp Karingal Firing Range nitong ika-21 ng Enero, 2017, ayon sa Facebook page ni Dela Rosa.

Ako, kahit na aalis ako ngayong araw na ito, basta lang magbago ‘yung mga sira ulo nating kasamahan”; dagdag pa niya, uunahin niya ang PNP bago ang kaniyang personal na interes.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, binabatikos ngayon si Dela Rosa dahil sa pagkamatay ni South Korean businessman Ick Joo Jee sa loob ng Kampo Crame. Nanawagan ang ilang netizens sa pagbibitiw ng PNP Chief na may hashtag na #BatoResign.

Nanawagan din ng pagbibitiw si House Speaker Pantaleon Alavarez nitong Biyernesupang mailigtas daw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahihiyan.

Baka akala nila talaga nag-eenjoy ako sa pagka-chief PNP sabi nila gusto nila magresign ako, I can do that any time. Frankly speaking, ‘di ko ho pinangarap itong puwesto na ito. Ito po’y binigay sa akin at alam ko ‘yung paglagay sa akin dito may mission si Lord sa akin,”  saad ni Dela Rosa.

Panoorin ang video na ito mula sa Facebook page ni Dela Rosa: