Bagong World Record: Nagkasya ang 275 na mga Estudyante, 1 Kotse sa Higanteng Bula




Larawan mula sa Nextbigfuture via Facebook page

(Mlada Boleslav, Czech Republic) Bagong Guinness World Record ang naitala, nitong Miyerkules, matapos makagawa ng isang Czech performer ng isang ‘bubble art’ at mailagay ang 275 na mga estudyante at isang kotse sa loob ng higanteng bula.

Gumawa ng higanteng bula si Matej Kodes na tumagal ng ilang segundo sa isang 11 meter by 7.5 meter na espasyo, ayon sa ulat ng PANG-MASA.

Ayon sa Reuters, upang maitala ang world record kinailangan na mas mataas sa 156 centimeters (5’1″) ang tangkad ng mga kalahok.

Pinangasiwaan ng Czech Book of Records ang ginawang world record ni Kodes.

Si Kodes ay nagtatanghal noon pang 2008 gamit ang bula.

Noong 2004, nakamit ni Kodes ang Guinness World Record para sa ‘pinakamaraming tao na nasa loob ng isang soap bubble’, na may 214 na kalahok, ayon sa ulat ng The Malaymail Online.