[Video] Duterte: NPA, Huwag Pakialaman Ang Proyekto ng Pamahalaan para sa mga Tao




Image capture of video GMA NEWS TV via You Tube account

Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na huwag pakialaman ang proyekto ng pamahalaan para sa mga tao tulad ng kuryente at komunikasyon na mga pasilidad sa Pilipinas.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa pagdiriwang ng groundbreaking ng Pulanai Hydroelectric Power Plant sa Valencia City, Bukidnon kamakailan, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Ipinaliwanag din ni Pangulong Duterte ang dahilan nang tanggihan niya na pakawalan ang bilanggong politikal bago lumagda sa bilateral ceasefire agreement. Aniya, marami na siyang ibinigay.

“Sabi ko sa kanila produce me a document which is that you have agreed to indefinite ceasefire,” saad ni Pangulong Duterte.

[Sabi ko sa kanila, maglabas kayo ng dokumento na sumasang-ayon kayo sa indefinite ceasefire.]

Ayon kay Pangulong Duterte, ang interes pa rin ng pamahalaan ang dapat manaig.

Sa inisyal na ulat ng Balita, milyon-milyong pisong revolutionary tax ang kinukubra ng mga rebelde mula sa mga lokal na negosyo at iba pang sektor sa nakalipas na mga taon.

“May I ask the New People’s Army, huwag na ninyo ito hingian, kasi kapag nagkuha kayo ng pera sa kanila, itong mga ito magplano naman kung paano pataasin ‘yung electric bill,” ani Duterte.

Ipinaliwanag din ni Pangulong Duterte, karaniwang sinasa­botahe umano ng mga rebelde ang pasilidad ng ilang kumpanya kapag hindi nagbibigay ng ka­ni­lang hinihirit na revolutionary tax, ayon sa ulat ng Abante Tonite.

“Ang style kasi ng NPA ‘pag ‘di ka nagbigay, sunugin. ­Makinig kayo ha. ‘Wag n’yo pakialaman ‘yang sa tao. ­Energy, communication, everything. Lay off, lay off,” saad ng Pangulo.

Ang NPA umano ay kaanib ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa ­pambobomba ng mga transmission towers at cell sites.

Nag­sa­sagawa ng pag-uusap ang pamahalaan at CPP at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pag-asang matatapos na ang communist insurgency sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Panoorin ang iba pang detalye sa pag-apela ni Pangulong Duterte sa NPA na huwag pakialaman ang mga proyekto ng pamahalaan, mula sa GMA NEWS