Rep. Arroyo, Itinanggi Ang Pag-Alok Diumano ni Pangulong Duterte ng Puwesto sa Gabinete




Larawan mula sa Wikipedia at Balitang DF

Itinanggi ng dating Pangulo, na ngayon ay House Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ang usap-usapan na inalok siya diumano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng puwesto sa gabinete, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Kamakailan ay nakipagpulong si Pangulong Duterte upang ipakita ang listahan ng mga narco-politicians kay Rep. Arroyo.

Itinanggi ni Rep. Arroyo na inalok umano ito ng puwesto sa gabinete o House Leadership.

He had shown me the list of narco-politicians, so there’s no offer of a Cabinet post to me now,” ani Arroyo.

Dagdag pa ni Rep Arroyo, nananatili siyang tutol sa parusang kamatayan, at iginiit na hindi ito makikipag-argumento sa Pangulo sa muling pagpagpapatupad nito.

I spoke to President Duterte about that. It’s alright with him if I oppose ***** penalty.”

Yes, I maintain my position. I will not argue, I’m not president anymore. I have a personal conviction but I recognize he is the president. I want his administration to succeed. He has to be the one to decide how to make his administration succeed,” ani Rep Arroyo.

[Oo, nananatili ako sa aking posisyon. Hindi ako makikipagtalo, hindi na ako Pangulo. May personal akong paniniwala subalit kinikilala ko siya bilang Pangulo. Nais kong magtagumpay ang kaniyang administrasyon. Siya ang magdedesisyon kung paano siya magtatagumpay.]

Magugunitang pinagbawalan ng dating Pangulong Arroyo sa kaniyang panunungkulan ang parusang kamatayan sa pamamagitan ng Republic Act No. 9346, na kilala bilang “An Act Prohibiting the Imposition of the ***** Penalty in the Philippines.”

Sa kasalukuyan, sinusuportahan ni Rep Arroyo ang panukala na magpapataw ng mas mabigat na penalty hinggil sa hindi makatarungang pagkakakulong at nagbiro pa na ‘tutugisin’ niya ang isang tao na hindi na niya pinangalanan, kung sakaling magsasampa siya ng kaso base sa kaniyang naranasan.

Si Arroyo ay nakulong ng ilang taon hanggang ang kaniyang kasong plunder ay ibinasura.

If I’ll file a case, I’ll only file a case against one person, if I ever file a case. It’s premature to disclose who that one person would be,” saad ni rep. Arroyo.