GMA, Walang Planong Kunin ang Posisyon ni Speaker Alvarez




File Photo

Pinabulaanan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ang usap-usapan na papalitan niya sa tungkulin si Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Rep. Arroyo, napukaw ang kaniyang atensiyon sa napabalitang  pagpalit nito kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Itinanggi ito ng Kongresista at wala umano itong planong palitan si Alvarez, ayon sa ulat ng GMA.

I categorically deny that. I don’t have any plans of taking his place,” dagdag ni Rep. Arroyo.

Ang usap-usapan ay itatalaga si Alvarez bilang Kalihim ng Department of Transportation (DOT), at si Arroyo naman ang magiging lider ng Kamara. Ito ay nauna na nang itinanggi ni Alvarez.

Hindi ko alam kung natutulog ang nagsasabi noon,” ani Alvarez.

Pero sa tingin ko naman baka kuwentong kutsero lang iyon. Ginu-good time lang kayo noon,” dagdag pa ni Alvarez.

Giit ni Alvarez, wala siyang balak na bumalik sa gabinete.

I would rather stay as congressman,” turan ni Alvarez.

Magugunitang naging kalihim ng DOTC si Alvarez sa ilalim ng pamumuno noon ni  Arroyo.

Kinumpirma ni Rep. Arroyo ang pakikipagpulong niya kay Pangulong Rodrigo Duterte subalit tumangging ilahad ang detalye ng kanilang pinag-usapan noong nakaraang linggo.

Giit ni Arroyo na hindi siya inalok ni Pangulong  Duterte ng anumang puwesto sa Gabinete o maging sa Department of Foreign Affairs (DFA).

 

Source :

GMA, ABS CBN, ABS CBN