Duterte muling nagpasaring sa US sa harap ng bagong ambasador




Image capture from Presidential Communication's video via Facebook

Muli na namang nagpaulan ng mga tirada laban sa Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap mismo ng bagong sugong kinatawan sa bansa na si Sung Kim.

“Come on, guys. Shut up. I do not need your assistance. Millennium Challenge? 400 million? China is going to release to me 15 billion. Go home. I do not need your aid,” pahayag ni Duterte habang nagsasalita sa Christmas Town Hall para sa Go Negosyo Para sa Kapayapaan sa Sulu noong Lunes, Disyembre 19.

Ito ay tungkol sa desisyon ng Millennium Challenge Corporation, isang ahensya na nagbibigay ng tulong pinansyal, na ipagpaliban ang pagpapatuloy ng tulong sa Pilipinas dahil umano sa paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng giyera kontra iligal na droga.

Paniwala ng Pangulo na insulto ang nasabing desisyon, ayon sa ulat ni Trisha Macas ng GMA.

“With due respect to the Ambassador of the United States, you’re dealing with Asians, be careful of your language. You cannot do that to the Japanese and to the Koreans and to them. They feel insulted. Why do you have to say, ‘We will cut your aid?” paliwanag ni Duterte.

Sinabi din ng Pangulo na nasaktan ang dignidad ng mga Pilipino dahil sa pahayag ng Amerika dahil lamang sa mga alegasyon ng paglabag sa karapatang pantao mula noong siya ay naupo bilang presidente.

“Dahil lang may human rights violations, hindi mo sasabihing hindi na kayo makatatanggap ng tulong. Hindi namin iyan kailangan. Pero bakit sabihin mo pa? ‘Mr. Duterte, if this continues, you will lose the assistance…” dagdag niya.

Nanatili namang kalmado si Sung sa kabila ng mga tirada ni Duterte.

Noong Disyembre 17, naunang nagpahayag ng pagkawili ang Pangulo kay Sung kumpara sa dating ambasador na si Philip Goldberg.

“They have a very good ambassador of Korean descent. He’s very courteous,” banggit ni Duterte ayon sa ulat ni Pia Ranada ng Rappler.

 

Source :

GMA, SunStar, Rappler