Arroyo, Inabswelto ng Ombudsman sa P900 M Malampaya Fund Scam; 25 Kakasuhan




Kahaharapin umano nila ang tig-dadalawang bilang ng plunder at multiple charges of graft at malversation sa pamamagitan ng palsipikasyon.

“The respondents are found to have acted in concert to divert the fund releases drawn from the P900 million Malampaya fund allocated by the DBM to the DAR in 2009, which was malversed and coursed through the NGOs controlled by Napoles and for which huge kickbacks and commissions were paid,” ayon sa pahayag ng Ombudsman.

Sa inisyal na ulat ng ABS-CBN, ang nasabing pondo ng Malampaya ay para sa relief at rehabilitasyon, matapos ang pinsalang hatid ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Ayon sa lead legal counsel ni Arroyo na si Ferdinand Topacio,  ito ang patunay na ang kanilang sinasabi hinggil sa kaso ni Arroyo noon pa man ay isangpolitical noisemaking’.

Nilinaw naman ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, ang pag-abswelto sa kaso ni Arroyo at ng iba pang high profile cases ay walang kinalaman sa naganap na pagpapalit ng pamahalaan mula sa Aquino administration patungo sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa ulat ng DWIZ 882 AM.

Ani Tang, anumang kaso na pinagpapasyahan sa Anti-graft Court ay batay sa mga isinumiteng ebidensya.

Abswelto rin sa criminal charges si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos sa anomalya ng NBN-ZTE.

Pages ( 2 of 2 ):
« Previous Page1 2