Arroyo, Inabswelto ng Ombudsman sa P900 M Malampaya Fund Scam; 25 Kakasuhan




File Photo

Inabswelto ng Office of the Ombudsman si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa plunder case hinggil sa P900 milyon na Malampaya fund scam; habang ang 25 na sangkot ay kakasuhan.

Idinismis ng Ombudsman ang kaso laban kay Arroyo dahil sa kakulangan ng mga ebidensya na magpapatunay na nakipagsabwatan siya sa scam, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

“Complainants failed to prove that they conspired with their co-respondents in the illegal diversion of the P900 million Malampaya fund or that they deviated from the regular procedure,” ayon sa Joint Resolution ng Ombudsman.

[Nabigong patunayan ng mga nagreklamo na sila ay nakipagsabwatan sa kanilang co-respondents sa ilegal na dibersiyon ng P900 milyong Malampaya fund o na sila ay lumihis mula sa regular na pamamaraan.]

Bukod kay Arroyo, inabswelto din si dating Executive Secretary Ermita.

Pinakakasuhan naman ng graft at plunder ng anti-graft body sina dating budget secretary Rolando Andaya, pork barrel queen na si Janet Lim Napoles at ang 23 iba pa na dawit sa nasabing scam.

Pinatutuloy na kasuhan ang mga sumusunod: dating DBM officials Secretary Rolando Aureo Andaya, Jr., at Undersecretary Mario Relampagos; DAR officials dating Secretary Nasser Pangandaman, Undersecretary Narciso Nieto at Director Teresita Panlilio; dating Candaba Mayor Rene Maglanque; Ruby Tuason, Janet Lim Napoles, Jo Christine Napoles, James Christopher Napoles, Reynald Lim, Evelyn De Leon, Ronald Francisco Lim, Ronald John Lim, Eulogio Rodriguez, Simplicio Gumafelix, John Raymund De Asis, Rodrigo Galay, Alejandro Garro, Paquito Dinso, Jr., Gerald Apuang, Napoleon Sibayan, Winnie Villanueva, Angelita Cacananta, at Ronald Venancio.

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »