Viral video: Binatang gumagaya sa nagsasalita sa LRT, kinaaliwan sa social media




Imahe mula sa Facebook video

Ginawang libangan ng isang binata ang isang laruang piano na may mikropono at nagpakuha ng video habang ginagaya ang nagsasalita sa Light Rail Transit (LRT) — bagay na kinaaliwan naman ng libu-libong social media users.

“Kabahan na ang announcer ng LRT! Hahaha,” pagbibiro pa ng Facebook user na si J. Moreno sa caption ng kanyang video. Sinong mag-aakalang magva-viral pala ang kanyang post?

Umani ng daang-daang libong views ang video at nakakuha rin ng libu-libong komento mula sa mga Facebook users.

“Hahahahahha hanep, ganito talaga ‘yon e,” sabi ng Facebook user na si A.A.

“Badtrip, gayang-gaya! Hahahahaha namemorize ko rin yan e hahahaha!” wika ni P.I.

This made my day [Binuo nito ang araw ko]!” kumento ni G.D.

“Hindi ka pa nag-a-apply pasado ka na!” sabi ni K.L.

Hahahaha. Benta kuya! Napatawa mo ako,” wika ni R.R.

May ilan din na na-miss daw sumakay ng LRT matapos mapanood ang video; habang ang iba ay nais din gawin ang ginawa ng binata.

Naibahagi na rin ang nasabing video sa iba’t ibang popular na Facebook pages na katulad ng Filipino Vines at Tee Radio.

“Nagprapractice na para palitan yung sa mga LRT at MRT,” caption ng Filipino Vines sa video.

“Mukhang may mawawalan ng trabaho! Hahaha kabahan ka na announcer ng LRT!” sabi naman ng Tee Radio.

As of posting, mayroon nang mahigit sa 975,000 views ang video. Nakakuha na rin ito ng lampas 13,000 shares, at higit sa 40,000 reactions.

Panoorin ang video at ikaw na ang humusga kung nagaya nga ba talaga ng binata ang nagsasalita LRT:

Source :

Facebook