PNP Chief Dela Rosa: Ibubuwis Ko Ang Aking Buhay, Malinis Lamang Ang Kapulisan




Larawan mula sa Balitang DF

Handa umanong ibuwis ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang kaniyang buhay, malinis lamang ang PNP; turan niya ilang oras matapos ihayag ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa sa pagdinig na nagbayad ito diumano ng milyong payola para sa proteksiyon ng mga pulis sa Eastern Visayas.

I-offer ko ang aking buhay para linisin ‘tong PNP,” ayon kay Dela Rosa sa panayam dito ni Jessica Soho sa  State of the Nation.

Tinanong si Dela Rosa tungkol sa naging silakbo ng kaniyang damdamin sa pagdinig, kung saan ay nagpahayag ito ng kawalang pag-asa sa mga alegasyon sa mga matataas na opisyal ng PNP.

Nasabi ko lang ‘yun out of frustration,” ani Dela Rosa, dagdag pa nitong marami pa ring malinis sa PNP sa kabila ng mga tiwaling pulis.

Hindi naman lahat ng pulis ay patong, hindi naman lahat ay kurakot… Wala pa sa one percent o two percent ang nai-involve sa amin sa droga,” saad pa nito. “‘Wag po tayong mawalan ng pag-asa.”

Ayon pa sa PNP Chief, masaya lamang ito sa naging pahayag ni Senador Miguel Zubiri na siya na lamang ang tanging pag-asa ng bansa upang malinis ang hanay ng kapulisan.

Para bang naramdaman ko agad ang bigat ng responsibilidad na nakaatang sa akin,” dagdag pa ni Dela Rosa.

 “Kasama na doon ‘yung poot at galit ko sa mga tao ko na involved diyan sa droga.”

Gayunpaman, kumpiyansa si Dela Rosa na maiaalis nito ang mga tiwaling opisyal.

Kakayanin ko ito, with the help of God at saka tulong ng taong bayan,” dagdag pa ni Dela Rosa.