Pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa pangulo ng Russia, nagdulot ng maganda para sa Pilipinas




Mga imahe mula sa Wikipedia.

Matapos makipagpulong ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa lider ng bansang Russia na si Vladimir Putin, nangako ang Russia na bibili ng mga prutas at gulay sa Pilipinas na aabot sa halagang $2.5 bilyon. Ito ay ayon kay Department of Trade and Industry Sec. Ramon lopez noong Linggo, Nobyembre 20.

Saad ni Lopez, pumayag daw agad ang lider ng Russia sa proposal ng Pilipinas para sa importasyon ng mga produktong pang-agrikultura sa susunod na 12 taon.

“Their immediate estimate is $2.5 billion. That’s a number they [Russian side] quoted,” saad ng kalihim sa mga Pilipinong mamamahayag sa Asia-Pacific Economic Cooperation (Apec) Leaders Meeting sa Peru, ayon sa artikulo ng Inquirer.net.

[Aabot umano  $2.5 bilyon ang kanilang bibilhin. Iyan ang binigay na estimasyon ng mga taga-Russia.]

“We were talking of what they could buy from us, especially agricultural products, but nothing was specified. But I understand we supply them with a huge quantity of bananas and mangoes. With these kinds of discussions, these present more trading opportunities between us,”dagdag niya.

[Pinag-uusapan kasi namin kung ano ang mabibili nila sa atin, lalo na sa mga produktong agrikultural natin. Ngunit sa aking pang-unawa, magsuplay tayo sa kanila ng maraming saging at mga mangga. Sa mga ganitong talakayan, nabubuksan ang maraming oportunidad pakikipagkalakalan.]
Sabi ng kalinim ng DTI, darami rin umano ang mga turista mula Russia na dadalaw sa Pilipinas bunsod ng magandang pag-uusap ng dalawang bansa.
“Of course, the other side of this is their commitment to work with us on counterterrorism, counter-drugs [operations], law enforcement, education finance,” dagdag ni Lopez.
[Isa rin siyempre sa kabilang banda ang kanilang pakikipagkasundo na makiisa sa atin laban sa terorismo, paglaban sa bawal na gamot, pagpapatupad ng batas , at ang paglalaan ng salapi para sa edukasyon.]
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte kay Pangulong Putin na matagal na umanong ninanais ng bansang Pilipinas na maging parte ng  Europa. Gayun din, naglabas ng hinaing si Pangulong Duterte hinggil sa pakikialam ng Kanluran sa pamamalakad ng ibang bansa dahil sa kanilang pansariling interes. Tinawag niya ring mga hipokrito ang mga taga Kanluran.