Mga inaasahang bisita ni Mark Anthony, umiiwas munang dumalaw sa kanya?




Imahe mula sa Facebook page ng Sinag Manila

May isang kaibigan ang nakadetineng aktor na si Mark Anthony Fernandez na inaasahan niyang bibisita sa kanya — ngunit sa kasamaang palad, umiiwas umano ito na dumalaw sa kanya.

Ayon sa Abante, bagama’t patuloy sa pagtulong ang kaibigang ito, hindi pa rin nito magawang dumalaw sa kulungan dahil sa kasong kinakaharap ni Mark Anthony. Ang taong ito ay isa sa active supporters ng anti-drug campaign.

Katulad ng taong tinutukoy, may iba pang mga kaibigan ang aktor na umiiwas din umano na makitang dumadalaw at sumusuporta sila sa aktor dahil sa may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga ang kaso nito.

Ang hiling ng mga kaibigang ito, sana ay maintindihan sila ni Mark Anthony dahil mainit pa rin ang lahat sa kampanya laban sa droga; lalo na’t wala pang nababanggit na celebrities na nasa drug list.

Sa ika-21 ng Nobyembre ang susunod na pagdinig sa kaso ng aktor, ayon sa ulat.

Kaso ni Mark Anthony

Si Mark Anthony ay anak ng yumaong aktor at dating action star na si Rudy Fernandez at actress-turned-politician na si Alma Moreno.

Kamakailan ay naaresto si Mark Anthony sa Pampanga, kung saan ay nakuha ang isang kilo ng marijuana sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Itinanggi ng aktor na sa kanya ang marijuana at wala raw siyang ideya kung saan nanggaling ito. Dagdag pa niya, gumagamit lamang siya nito para makaiwas sa kanser.

“Bibili po ako tapos dumating po sila. ‘Di pa po ako nakakabili. Umalis po ako noong tumakbo po iyong magbebenta sa akin,” paliwanag ng aktor, na kasalukuyang nakakulong sa Station 6 ng Angeles City Police.

Dagdag pa niya, gumagamit lamang siya nito para makaiwas sa kanser.

Matatandaang dati na ring nasangkot sa illegal na droga si Mark Anthony. Sa katunayan, kusa siyang pumasok sa Bicutan Rehabilitation Center noong 2004.

Pagkatapos niyang manatili sa rehabilitation center, bumalik sa pag-aartista ang dating miyembro ng kilalang teen group na  “Gwapings” noong dekada ’90.  Kasama sa mga huli niyang palabas sa telebisyon ang Kap’s Amazing Stories Kids Edition na inere noong April 2010 sa GMA 7.

Source :

Abante, DF, DF Balita