Puwede bang palitan ni Sanya ang puwang na iniwan ng ex ni Rocco na si Lovi?




Imahe mula sa YouTube video

Mapapalitan ba ng Encantadia co-star ni Rocco Nacino na si Sanya Lopez ang puwang na iniwan ng dati niyang kasintahang si Lovi Poe?

Ayon sa PEP, naiuugnay ngayon si Nacino sa onscreen partner niya sa Encantadia na si Lopez, at tipong kahit mga kasamahan nila sa telefantasya ay kinikilig sa kanilang dalawa.

Sa isang panayam, nang mabanggit kay Nacino na kinikilig sa kanya ang aktres ay napangiti ito at nagsabing: “Talaga ba? Ako rin naman.”

Kuwento ni Nacino, napasasaya siya ni Lopez dahil sa presensya nito kapag kailangan niya ng makakausap at sa tawa nito na nakahahawa.

“Nakakatuwa, nakakatuwa na nandiyan siya. Nakakahawa kasi very contagious ang tawa niya. Nakakagaan,” aniya.

Ani Nacino, nakatulong si Sanya at ang lahat ng Sang’gres para tuluyan siyang maka-move sa breakup nila ni Lovi Poe.

“Nandoon sila, nandoon ang mga Sang’gres at my lowest point. Alam nila ang nangyari sa akin so doon pa lang, nagkaroon kami ng malalim na relationship. Nakakapag-usap kami ni Sanya at, kumbaga, isa siya sa kinakapitan ko,” wika niya.

Ngunit maaari kayang pumalit si Lopez sa lugar na iniwan ni Poe?

“Let’s see,” nakatawang sagot ni Nacino.

“Ang doors ko naman laging bukas when it comes to that. Pero nandun pa rin ‘yung priorities ko, to secure all of these. Make sure na nakakapagtrabaho ako nang maayos. If ever na dumating sa ganyang point, e ma-balance ko talaga. It’s all about balance,” aniya.

Sa ngayon, sabi ng aktor, isa sa mga hiling niya sa kanyang karera ay ang magkaroon ng show kung saan si Lopez  ang leading lady niya.

Nadarama kay Rocco

Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag si Lopez tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon nila ni Nacino ng ugnayan; hindi niya raw isinasara ang kaniyang puso sa kaniyang ka-loveteam.

“Why not? For me, sino bang hindi magkakagusto kay Rocco Nacino. Isa sa pinakagwapo sa industriya. Bakit hindi? Sa tamang panahon siguro.”

Panoorin ang isa sa mga nakakikilig na eksena nina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa Encantadia:

Source :

PEP, GMA News Online, YouTube