[Video] Nakabibilib! Asong gala na galisin noon, isang napakagandang asong husky na ngayon




Image capture of vide by 24 Oras via GMA News' YouTube channel

Dahil sa matiyagang pag-aaruga ng isang pet lover, ang isang asong gala na puno ng galis sa katawan ay isa na ngayong napakaganda at mabalahibong aso.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, hindi inakala ni Raevin Amante Bonifacio na isang napakagandang lahi pala ang kinupkop niyang asong gala na tinawag niyang “Brei.” Aniya, noong Abril pa niya ito inampon nang makita niya si Brei na tadtad ng galis, payat at may malansang amoy.

Kuwento ni Raevin, tila nagmamakaawa at nagpapasagip sa kanya ang aso nang magkasalubong ang kanilang mga mata. Dahil sa awa, agad niya itong inuwi sa kanila at sinimulang gamutin. Nilagyan ni Raevin ng antiseptic ang mga sugat ni Brei at makalipas ang 15 araw ay nagsimula na ang paghilom ng mga sugat.

Araw-araw ring hinaluan ni Raevin ng virgin coconut oil ang pagkain ni Brei. Ipinapahid niya rin ang langis sa buong katawan ng alaga.

Matapos ang dalawang buwan ay lumabas ang tunay na ganda na Brei na may lahi palang Husky.

Umaasa si Raevin na ang kuwento nila ni Brei ay magbigay-inspirasyon sa mga tao na mag-ampon ng mga inabandonang hayop.

Na-feature sa GMA ang maganda na ngayong si Brei at ang mapagpalang nag-alaga sa kanya:

Source :

GMA Network