******* ng apat na foreigners natagpuan sa Pampanga




Image from Hive Mind

Apat na mga banyaga ang natagpuang ***** sa dalawang magkahiwalay na lugar sa Pampanga Martes ng umaga, ika-11 ng Oktubre.

Dakong alas-sais ng umaga, natagpuan ng isang lokal na residente ang ******* ng isang babae at dalawang lalaki sa madamong bahagi ng megadike sa Barangay Dolores sa bayan ng Bacolor sa nasabing probinsya.

Ayon sa ulat ng  ABS-CBN, sinabi ng mga awtoridad na ang tatlo ay pawang mga Taiwanese nationals.

Natagpuan ang isa sa kanila na nakabaon pa sa lupa ang kalahating katawan at nakabalot ng packaging tape ang mga paa, samantalang ang mga kasamahan nito ay may mga tama ng bala sa ulo. Tinatayang nasa pagitan ng 30 at 35 ang edad ng mga biktima.

Dakong alas-9:00 ng umaga naman ay  natagpuan ang ******* ng isang Chinese national na kinilalang si Michael Chen, 40-anyos, sa loob ng kanyang sasakyan na nakitang nakaparada sa MacArthur Highway sa San Fernando, Pampanga.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng Scene of the Crime Operatives ng Philippine National Police-Pampanga ang dalawang insidente.