174 Pulis, PNP Personnel nagpositibo umano sa paggamit ng iligal na droga




File Photo

Umaabot umano sa 174 ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, ayon sa isang opisyal nitong Martes.

Sa kabuuang bilang ng gumagamit ng methamphetamine hydrochloride o shabu, 167 ay unipormadong personnel habang ang  pito  ay hindi unipormadong personnel, ayon kay PNP Crime Laboratory Director Chief Superintendent Aurelio Trampe Jr, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ang pinakamataas na opisyal na gumagamit ng iligal na droga ay isang Senior Inspector, ani Trampe.

Bagama’t ang bilang ay mababa sa isang porsyento ng 159,129 personnel na nagpositibo sa  random drug testing ng PNP, ito ay nananatiling nakaaalarma, dagdag ni Trampe.

I think it’s alarming because we are supposed to implement the law and they are violating the law they are supposed to implement,” ani Trampe na nagbibigay diin na ang kapulisan dapat ang nagpapatupad ng batas at hindi ang kabaligtaran.

Saad pa ni Trampe na patuloy ang kanilang paglilinis sa hanay ng PNP. Giniit pa nito na dapat ay sila ang mabuting huwaran. Dapat i-neutralize ang mga nagpositibo sa paggamit ng droga nang sa gayon ay matiyak ng mga tao na may karapatan ang kapulisan na magsagawa ng drug testing laban sa mga sibilyan.

 

Source :

ABS CBN, GMA, Inquirer