Senador Manny Pacquiao, inaming dati siyang adik sa droga




Image from Famous People

Natikman na raw niya ang maraming uri ng mga ipinagbabawal na gamot noong kabataan niya, pag-amin ni Pambansang Kamao at bagitong Senador na si Manny Pacquiao.

Ayon sa ulat ng Remate, sinabi ni Senador Pacquiao na halos lahat ng klase ng ilegal na droga ay nasubukan na niya noong tinedyer pa siya. Tumagal raw ang kaniyang pagiging adik sa droga nang ilang taon, bago pa siya nagkampeon sa larangan ng boksing.

Ani Pacman, na kilala bilang isang masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi alam ng pangulo ang kanyang karanasan sa ilegal na droga. Umaasa siya na kung sakaling makarating sa Pangulo ang kanyang pag-amin ay hindi maaapektuan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Dagdag pa niya, matagal na raw niyang kaibigan ang Pangulo at isa ito sa mga tumulong sa kanyang boxing career.

Buo ang paniniwala ni Pacquiao na si Pangulong Duterte ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga taong tunay ang pagnanais na magbago.