Lea Salonga, inaming nai-insecure tumabi kay Aga Muhlach noon




Image capture of video by ABS-CBN Star Cinema via Youtbe channel

Maugong ngayon ang mga ispekulasyon na matutuloy na ang muling pagsasama sa isang proyekto nina Aga Muhlach at Lea Salonga dahil sa nakapirma na ng kontrata si Aga sa ABS-CBN.

Nagkasama ang dalawa sa mga pelikulang “Bakit Labis Kitang Mahal” (1992) at “Sana Maulit Muli” (1995), at pawang tumatak sa isip ng mga manonood ang kanilang tambalan.

Sa ginawang Facebook Live Q&A sa Facebook account ng Coalition of Asian Pacifics in Entertainment o CAPE, noong Martes, ika-23 ng Agosto,  sinagot ni Lea ang mga tanong tungkol kay Aga.

Ayon sa broadway superstar ilang taon na ring napag-uusapan ang kanilang balik-tamabalan ni Aga pero ang kailangan daw talaga ay tamang istorya, tamang script at tamang panahon para matuloy na nga ito.

“It will happen when it happens and you all just have to wait,” dagdag ni Lea.

Isa rin sa mga naging tanong sa kanya ay kung ano ang nagustuhan niya sa pagtatrabaho kasama si Aga.

“Have you looked at the guy? Come on. Just look at his face, look at his eyes and that is all the answer you need,”  sagot ng “The Voice Kids” judge.

Dagdag pa ni Lea, noong araw na sobrang payat ni Aga at siya ay medyo may kalakihan, nai-insecure daw siyang tumabi dito.

“I was thinking I’m not pretty enough to be standing next to this person. Kumbaga sa Filipino, nakaka-insecure siyang tabihan because he’s just an incredibly beautiful man,” aniya,

Bukod sa ganda ng mukha ni Aga, pinuri rin ito ni Lea sa pagiging magaan na katrabaho.

bakit movieSana-Maulit-Muli-poster-3

 

Source :

Facebook, PEP, Rappler