Kitty Duterte, pinakabagong darling ng social media, muling nagpapasaya sa netizens




Ang dose anyos na bunsong anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte, na nagsilbing bible holder sa panunumpa ng kanyang ama bilang ika-16 na pangulo ng bansa noong Hunyo 30, ay isa palang bibong teenager.

Pagkatapos mag-viral ng kanyang video habang naglalaba noong siya ay mas bata pa, muling nasabik ang mga tao sa social media na siya ay muling mapanood

Hindi naman sila nabigo dahil sa kanyang Instagram account ay nagpamalas ang anak ni Tatay Digong kay Honeylet Avanceña ng kanyang kabibuhan at hilig sa musika.

Regular siyang nag-a-upload ng mga larawan at video kung saan siya ay nagpapamalas ng talento sa pagda-dubsmash at pagsasayaw sa saliw ng mga popular na awitin.

Gamit ang app na kung tawagin ay musical.ly, ni-lip sync ng magandang si Kitty ang iba-ibang awitin gaya ng “Into You” ni Ariana Grande at “Kill ‘Em With Kindness” ni Selena Gomez.

Tunay namang ‘bibo’ kid nga ang nagdadalaga nang si Kitty na makikita sa videong ito:

 

https://www.youtube.com/watch?v=ecnTlKl2Nvo

Kamakailan lang ay ibinida siya sa 24-Oras ng GMA News: