Japan, pauutangin ng $2 B ang Pilipinas para sa Manila-Bulacan railway project




Imahe mula sa isang YouTube video

Para matagumpay na matapos ang Manila-Bulacan railway project,  handang magpahiram ang  Japan sa Pilipinas ng mahigit $2 billion.

Ayon sa GMA News Online, magpapautang daw ng $2.2 billion ang Japan sa Pilipinas para mapondohan ang railway project mula Tutuban hanggang Bulacan, kung saan nasa 400,000 na pasahero umano ang makikinabang araw-araw sa oras na makumpleto ito.

Ikinatuwa ng mga social media user ang nasabing balita at isa-isang nagpahayag ng saloobin sa nasabing ulat.

“Wow good news ‘yan para sa mga Pilipino! Lalo na iyong mga taga-Bulacan na pumapasok sa Metro Manila, at malaking tulong ‘yan para sa atin at malaking ginhawa, iyan ang tunay na pagbabago!” ani Facebook user R.B.

“Napakagandang balita lalo na sa mga gaya kong taga-Bulacan. Sa mahal ng gasolina at toll fee, malaking bagay po ‘yan sa mga mamamayan lalo pa sa araw-araw na lumuluwas para maghanap-buhay.  Nawa’y matuloy na ‘yan sa lalong madaling panahon,” sabi ni X.R.

“Hinintay lang ng Japan na si Duterte ang umupo upang ang kanilang salapi ay may mapuntahan talaga. #ThanksJapan,” kumento ni J.E.

“400,000 people? Grabe! Ang inam niyan para sa mga pasaherong bumibiyahe. Sana lang ay ‘di nito patayin ang negosyo at hanapbuhay ng mga taong nagtatrabaho sa mga bus company,” wika naman ni K.G.

Sa itatayong railway project, ang Tutuban Center sa Manila ang siyang magiging transfer station. Ang north side ay tatakbo mula Malolos, Bulacan hanggang sa Tutuban, Maynila; habang ang South side naman ay mula sa Tutuban, Maynila hanggang sa Legazpi, Albay.

Panoorin ang ulat tungkol sa pagpapautang ng Japan sa Pilipinas para makumpleto ang Manila-Bulacan railway project:

https://www.youtube.com/watch?v=1XfpuJiNdgk