Birthday wish ni De Lima: Magkaroon ng lovelife, lubayan ni Duterte




Image from People's Television

Sa ginanap na advanced mini-birthday celebration kasama ang mga reporters sa Senado, nagsabi si Senadora Leila De Lima ng dalawang kahilingan para sa kanyang ika-57 na kaarawan sa Agosto 27.

Ang unang kahilingan ng mambabatas ay sana raw lubayan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pambabato ng mga gawa-gawang akusasyon laban sa kanya.

Si De Lima ay isinasangkot ng pangulo sa ilegal na droga. Sa isang drug matrix na inilabas ng pangulo, ipinakita roon kung ano ang partisipasyon ng senadora sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Nabanggit sa ulat ng Brigada na naaawa na umano si De lima kay  Pangulong Duterte sa mga walang kabuluhang isyung kinakalkal nito laban sa kanya.

Ang ikalawang kahilingan ni De Lima ay sana nga raw ay magkaroon na siya ng lovelife.

Pinabulaanan niya ang isiniwalat ng pangulo na mayroon umano siyang bagong karelasyon na ang pangalan ay “Warren”, na umano’y isang hagad ng MMDA. Ani De Lima ay hindi siya “romantically involved” kahit kanino.

“Wala po akong BF ngayon, sana mabigyan ako ng lovelife,” sabi ng senadora.

 

Source :

Brigada, Politiko