Tatlo katao, kabilang ang 2 babae, natagpuang ***** sa may Tacloban airport




Images from Don Leandrew Tiu's Facebook post

MAYNILA, Pilipinas – Isang lalaki at dalawang babae ang natagpuang ***** sa loob ng isang sasakyan na inabandona sa may airport ng Tacloban malapit sa lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis mahigit isang taon na ang nakararaan.

Natagpuan ang duguan at wala nang buhay na si Jason Boclatan sa loob ng isang itim na  1995 Toyota Corolla sedan malapit sa ginagawang tarmac ng Daniel Z. Romuladez Airport madaling araw ng Biyernes.

Kasama ring natagpuan sa loob ng kotse bandang alas-4 ng umaga ang mga ******* ng dalawang babae na nakilala ayon sa Facebook post ng isang Don Leandrew Tiu na sina Rowena Rosales, 42, at si Che-Che Mantile, 22, at parehong residente ng Barangay Nula-Nula, Tacloban City.

Pare-parehong may tama ng bala sa katawan ang tatlong napatay.

Una nang kinilala ng kinakasama ni Boclatan na si Christine Jackson ang ******* ng lalaki matapos malaman ang sinapit nito mula sa kaniyang kapitbahay.

Natagpuan din sa tabi ng mga ******* ang tig-iisang papel na may nakasulat na: “Drug Pusher ako. Lord Patawad”.

Hinihinalang may kinalaman sa ilegal na drog ang pagkamatay ng tatlong biktima subalit itinanggi ni Jackson na tulak ang kaniyang kinakasamang si Boclatan.

Ayon kay Jackson, isang police asset si Boclatan at kamakailan lamang ay nakasama ito sa isang operasyon kung saan may natimbog ang mga pulis na isang malaking drug lord sa Ormoc City.

Huli umano niyang nakitang buhay si Boclatan nitong Huwebes ng gabi nang ito ay magpaalam para makipagkita sa isang kausap na mayroong utang na pera sa kanya.

Ayon kay Jackson, malakas ang kutob niya na kilala ni Boclatan ang gumawa noon sa kanya at sa kasama niyang dalawang babae.

Bago pa man natagpuan ang ******* ng tatlong biktima, isa pang ‘di-nakikilalang lalaki ang natagpuan ding ***** at may tama ng bala sa ulo at sa katawan bandang alas-diyes ng gabi noong Huwebes sa may Tacloban bypass road sa Barangay Apitong.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang lalaki na nakasuot ng puting T-shirt at pink na short at nakatali ang mga kamay gamit ang alambre.

Katulad sa tatlong huling biktima, may nakita ring papael sa tabi ng lalaki na nagsasaad ng: “Drug Pusher ako. Lord Patawad”.

Ayon kay Chief Inspector Restituto Reglos, hepe ngTacloban City police station I sa San Jose district, patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon at hindi pa makumprima kung may kinalalaman nga sa ilegal na droga ang apat na napatay.