PNP Chief: ‘Wag magmadali, marami pang drug lords na mapapatay sa mga darating na araw




Image capture of video by Radyo Inquirer

“Huwag kayong magmadali at marami pa tayong mapapatay diyan na high-value target. Hintayin lang ninyo.”  Ito ang pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald De la Rosa matapos mapatay ng PNP Anti-Illegal Drug Group (AIDG) ang isang big-time Chinese drug lord sa Valenzuela madaling araw ng Biyernes, ika-22 ng Hulyo.

Ang napatay ay kinilalang si Meco Tan na dati nang nag-operate ng shabu laboratory sa Cavite at Quezon City ilang taon na ang naararaan.

“Palagi tayong kini-criticize na street pushers lang daw ang namamatay. Ngayon ito na, nakita ninyo, malaking drug lord—***** rin, ‘di ba?” sabi ni De la Rosa.

“Very big, very big. He must be operating here in the Philippines around eight years already. He was responsible for that shabu laboratory in Metro Manila. Ngayon patuloy pa rin ang kanyang ginagawa,” dagdag niya.

Ayon sa GMA News Online, Napatay ang intsik na drug lord matapos itong magtangkang tumakas at makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng PNP-AIDG na nagsagawa ng search operation sa bisa ng isang search warrant sa pabrika ng plastik na pag-aari umano ni Tan.

Limang Intsik pa ang naaresto sa loob ng pabrika. Isinasailalim na ang mga ito sa  imbestigasyon. Nasamsam din ang ilang sako ng mga kemikal na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng shabu.