Mahigit 100 na kaso ng ‘elevated arsenic’, naitala sa Gitnang Luzon — DOH




Larawan mula sa Facebook page ng DOH

GITNANG LUZON, Pilipinas — Lumampas sa isang daang kaso ng elevated arsenic, isang sakit na nakukuha sa kontaminadong tubig, ang naitala ng Department of Health (DOH) sa Gitnang Luzon.

“Cases of elevated arsenic have been noted in parts of Central Luzon. As of June 2016, a total of 123 cases were reported [Nakakikita ngayon ng mga kaso ng elevated arsemic sa ilang bahagi ng Gitnang Luzon. Ngayong Hunyo, umabot na sa 123 ang kabuuang bilang ng kaso nito],” ayon sa ulat ng ahensya.

Kasalukuyang sumasailalim sa mga konsultasyon at tumatanggap ng atensyong medical ang mga pasyenteng apektado ng elevated arsenic.

Ang DOH ay nakikipagtulungan na ngayon sa ibang mga ahensya; katulad ng Department of Science and Technology, Department of Environment and Natural Resources, Local Waterworks Utilities Administration, at mga local government unit. Sama-samang tinitingnan ng mga ito ang mga pinagmumulan ng tubig sa mga nasabing lugar sapagkat posibleng isa o ilan sa mga ito ang pinagmumulan ng problema.

Samantala, namimigay ngayon ng mga bottled drinking waters sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang pagkakaroon pa ng mga kaso ng arsenicosis. Nagsasagawa naman ang mga local health worker ng mga medical screening para malaman kung may mga iba pang kaso.

Nakikipagtulungan din ang kagawaran sa The Netherlands Embassy sa Maynila, sa pamamagitan ng Dutch Risk Reduction Team, upang maisayos ang problema ng elevated arsenic sa Gitnang Luzon.

“This collaboration aims to screen the scope of arsenic toxicity in Central Luzon, design of an improved water supply system, and implementation of improved water supply systemme [Layunin ng kolaborasyong ito ang makita ang scope of arsenic toxicity sa Gitnang Luzon, makagawa ng isang disenyo ng improved water supply system at maisakatuparan ang improved water supply system],” dagdag ng DOH.