Jessy Mendiola pinainit ang 2016 FHM 100 Sexiest Victory Party




Image capture of video by FHM

Isang mainit na gabi ang naranasan sa Valkyrie Night Club sa Bonifacio Global City sa Taguig kung saan ginanap ang 2016 FHM 100 Sexiest Victory Party nitong Martes, Hulyo 26.

Nagpasiklaban sa paseksihan ang ilang mga celebrities na dumalo sa nasabing party ng FHM men’s magazine. Naroon sina Kim Domingo, Max Collins, Sam Pinto, Rochelle Pangilinan, Arny Rose at Rhian Ramos, ang FHM cover girl ngayong July issue.

Lalong naramdaman ang init ng gabi nang ipakilala at nagsimulang rumampa sa entablado ang itinanghal na “Sexiest Pinay” ngayong 2016, base sa online voting na idinaos ng FHM men’s magazine, na si Jessy Mendiola.

Sa suot ni Jessy na kulay pulang one-piece swimsuit, naipakita niya na karapat-dapat nga siyang tanghaling Sexiest Pinay ngayong taon. Noong nakaraang taon, ang ABS-CBN star ay nasa 23rd place.

Nakuha naman ni Jennylyn Mercado ang ikalawang puwesto, samantalang si Nadine Lustre ang pumangatlo. Ang dalawa ay hindi nakadalo sa party.

Noong gabing iyon, ang Kapuso star naman na si Marian Rivera ay iniluklok sa FHM 100 Sexiest Hall of Fame. Siya ang first inductee sa Hall of Fame ng men’s magazine dahil sa tatlong beses niyang panalo bilang “Sexiest Pinay” – noong 2008, 2013 at 2014.

 

Source :

FHM, Inquirer, ABS-CBN