Ang itsura ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa noong siya ay may buhok pa




Image from Ronald "Bato" Dela Rosa Facebook account

Alam ng lahat na si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” De la Rosa ay may matipunong pangangatawan at tulad ng sikat na Hollywood actor na si Vin Diesel ay walang buhok.

Inisip ni “Bato” na marahil ay marami ang gustong makaalam kung ano ang itsura niya noong siya ay bata pa at puno pa ng buhok ang kanyang ulo, kaya noong Sabado, ika-23 ng Hulyo, ay ipinakita niya sa kanyang Facebook account ang isa niyang lumang larawan kung saan makikitang hindi pa siya kalbo.

“Sa mga nagtatanong kung ano raw itsura ko na may buhok,” ang sabi sa caption na nakalagay kasama ng lumang litrato ni “Bato.”

Ayon sa kanyang post ay umabot na sa mahigit 31,000 ang “likes” at halos 11,000  na ang “shares” ng naturang larawan. Nasa 1,500 na ring netizens din ang nagbigay ng kanilang mga komento sa litrato ni De la Rosa na ngayon ay 54-anyos na.

Source :

Facebook, ABS-CBN