DTI, DOH, DOT Secretaries ni Digong, pinangalanan na




Inanunsyo na ni Deputy Spokesman Ernesto Abella sa PTV-4 ang mga opisyal na napili ng nanalong pangulong Rodrigo Duterte para umupo bilang mga bagong kalihim ng Department of Health (DOH), Department of Tourism (DOT), at Department of Trade and Industry (DTI).

Ang mga napili ay sina Paulyn Hean Rosell Ubial sa Health, Wanda Corazon Teo sa Tourism, at Ramon Lopez para sa Trade and Industry.

Kasalukuyang assistant secretary ng DOH si Ubial sa Office and Health Regulation.

Si Teo, ayon sa GMA News Online, ang nagmamay-ari ng Mt. Apo Travel and Tours na ipinangalan sa pinakamataas na bundok sa Pilipinas, ang Mt. Apo na matatagpuan 32-kilometrong kanluran ng Davao City.

Samantalang naging tagapagpaganap na kalihim ng entrepreneurship advocacy ng “Go Negosyo” si Lopez.

Una nang inamin ni Digong sa kanyang mga panayam na nahihirapan silang kumbinsihin ang mga taong nais nilang ilagay sa pwesto dahil sa mababang pasahod ng gobyerno.

 

Panoorin ang anunsyo:

https://www.youtube.com/watch?v=raJyJAKY8x0