Roving cinema ng nakaraan, nakaranas ka rin ba?

Libreng sine noon sa open air na lugar, nakaranas ka ba?

Sa larawang ibinahagi ng ka-NP na si Marvin Santos sa Facebook page na Nostalgia Philippines ay makikita ang isang pagtitipon ng mga manonood sa isang bukas na lugar o yaong tinatawag na open-air na panooran  dahil may  “Roving Cinema.”

“Karaniwan itong nilalagay sa plaza, natatandaan ko noon ang mga sponsors Cosmos, Coca- Cola at Procter and Gamble, may libre pang sandwich at softdrinks sa mga manonood, karaniwan na mga pinapalabas ay mga pelikula nina Fernando Poe, Jr., Lito Lapid, at Dolphy. Roving Cinema ang tawag dito. ito yong mga panahon na mangilan ngilan pa lang ang may mga Telebisyon,” kuwento nito.

Marami namang napabalik-tanaw din sa kanilang mga naranasan.

“Naabutan ko pa ito…..sarap ng buhay nuon manuod kasama ang buong barangay…Hindi po boxing yan… pelikula pa nila Jess Lapid Sr…. Zaldy Zhornack… Bernard Bonnin.”

“Libreng Sine mula sa Coca-Cola,” ang kuwento ni Luis R.

“50s pagfiesta sa aming brangay ay mayroon niyan mga sponsor na company ngayon wala na, nganga now.”

“Naalala ko ito., sa amin pag meron nito, umiikot na ito sa. Hapon at nag aanounce na libremg sine, luto na akong maaga ng hapunan namin at Kain nang maaga, tuwang tuwa ang mga bata pag meron nito.”

Nakaranas ang inyong lingkod na makapanood ng ilang Tagalog movies noong kalagitnaan ng dekada 70 sa Canlubang, Laguna. Malayo-layo rin ang aming nilalakad para makapanood sa malawak na damuhan sa Canlubang na handog ng mga namumuno sa bayang iyun noon.

Kaiba sa roving cinema na kadalasan ay may libreng handog sa mga tao, mayroon din namang mga tinatawag na “Open Air Cinema” o “Drive-In Movie Theater” sa iba-ibang lugar sa mundo.  Doon ay makabibili kayo ng mga tiket at maaaring manatiling nakasakay sa inyong kotse/sasakyan o kaya’y maglatag sa damuhan. Mayroon ding may mga upuan na nakaayos sa malawak na espasyo ng open theater.