Balik-tanaw: Jose Mari Gonzalez, ang original ‘Baby Face’ ng showbiz

Kapag sinabing original ‘baby face’ ng Philippine movies, tiyak na ang late actor na si Jose Mari Gonzalez ang papasok sa isip ng mga Baby Boomers o yaong mga ipinanganak mula 1946 at 1964.

Kung may Sal Mineo ang Amerika, si Jose Mari naman ang ‘baby face’ ng Philippine showbiz! Yan ang bansag sa Filipino classic actor ng kanyang kapanahunan.

Si Jose Mari ay sumikat noong late 50s hanggang 60s at nagpakilig ng maraming moviegoers at humakot din ng mga tagahanga nang ipalabas na sa telebisyon ang kanilang mga pelikula ng mga kasabayan niya.

Image via Video 48 / Simon Santos

Mestiso, may kuloting light brown na buhok at nangungusap na mga mata at magandang tindig, hindi nakapagtatakang humakot ng pansin ang aktor. Dream boy pa nga ang bansag ng maraming kababaihan sa kanya noon. Napakaguwapo naman kasi at may magandang ngiti pa.

Panganay siya sa pitong magkakapatid. Sina Roque Ma. Gallegos Gonzalez ng Cebu at Carmen Orozco Chacarrategui  ng Mauban, Quezon ang kanilang mga magulang.

Isa siyang commercial model for print ads noong late 1950s nang mapansin umano siya ni Mrs. Azucena Vera-Perez, maybahay ni Dr. Jose Perez ng Vera-Perez Productions, at inalok siya ng movie contract. Sister company ng Vera-Perez Productions ang Sampaguita Pictures.

Image via Video 48 / Simon Santos

Una siyang ipinakilala sa pinilakang tabing ng Sampaguita Pictures sa pelikulang Palaboy (taong 1958) kasama ang mga bituing sina Gloria Romero at Luis Gonzales. Sinundan ito ng Tawag ng Tanghalan (taong 1958), at Ulilang Anghel (taong 1958), Mga Anghel sa Lansangan (taong 1959). Sinasabing nakamit niya ang stardom sa pelikulang ‘Baby Face‘ noong 1959 kasama si Amalia Fuentes, at sa pelikulang Handsome kasama naman si Susan Roces.

Marami pang mga sumunod na pelikula ang matinee idol ng kaniyang panahon, ngunit ang “Amy, Susie & Tessie” ang maituturing sigurong pinakapatok na proyekto nila ng kanyang mga kasabayan dahil umabot pa sa larong bata ang kanilang tambalan kaya’t mahirap makalimutan.

“Amy, Susie & Tessie, Romeo, Juancho & Jose Mari. I love singko, pambili ng puto sa mga tindero ng bitcho-bitcho. Ting-a-ling-a-ling! Statue!!!!”  hahaha

Ang tandem nila ni Susan Roces ay pumatok sa mga manonood at nagkasama rin sila sa Beatnik (1960) at Dance-O-Rama (1963).

Sa tala ay nasa 23 pelikula ang kanyang nagawa mula 1958 hanggang 1968 ngunit wala dito ang Operetang Sampay Bakod na nakita ko sa YouTube.

Nakasama ni Jose Mari sa comedy-musical sina Dolphy, Amalia Fuentes, Greg Martin Jean Lopez, Josephine Estrada, Lito Legaspi, Panchito, Rosa Mia at iba pa.  ^_^

mage by Cristina Gonzalez

Napangasawa niya si Charito Malarky, isang dating modelo na may lahing Spanish at British, at nagkaroon sila ng limang anak, kabilang ang nag-artista rin dati na si Cristina Gonzalez. Bukod sa pag-aartista naging negosyante rin at politiko si Jose Mari.

Sumakabilang-buhay siya sa edad na 80-anyos Abril ng 2019.

Magbalik tanaw sa lodi ng nakaraan. Panoorin ang iba pang bagay kaugnay kay Jose Mari Gonzalez sa biography na ibinahagi ng Notable Bio: