
Maraming uri ng tinapay na bihira na nating makita ngayon ngunit naging malaking bahagi ng ating nakaraan; lalo na noong ating kabataan.
Sa Nostalgia Philippines ay labis na kinalugdan at ikinatuwa ang larawan ng isang uri ng tinapay na nabibili sa mga tindahan o bakery noong araw.
Ayon kay Marian Macalino, ito ay “Tinapay na paborito natin noon.”
Tinawag itong stick bread ng ibang miyembro at baston o batuta naman ang naaalala ng iba bilang katawagan dito. Ano man ang naging tawag sa mahaba at medyo matigas na tina[ay na ito, marami ang nagpahayag na isa ito sa kanilang mga naging paboritong miryenda noon.
May mga nag-tag pa sa kanilang kaibigan, kapatid o kamag-anak na ito ay madalas nilang baon noon sa paaralan. Mura na, nakabubusog pa!
“Rica, ito lang baon natin lagi noon e haha baston.”
“One of my favorites!”
“Baston yan kung tawagin sa amin.piso isa. 3 piraso isawsaw sa kape may gatas man o wala eh solved na.nong time na yan dpa uso 3 in 1 coffee.”
“Baston lagi naming binibili na tinda ni Lola Henyang na kapitbahay namin.”
“Batuta sulit sa meryenda sa hapon sawsaw kape, ‘ika nga, Wlang matigas na batuta sa mainit n kape 🤣”
Sa dami ng nakakakilala sa tinapay na ito ay mahigit 14K ang nag-share ng post ni Marian libo libo rin ang-react. Bida pala itong talaga noon!
Marami na ring mga bagong bersyon ng bread sticks at nakabibili nito sa ilang bread shops, pero ang simpleng sayang hatid sa mga bata noon ang mas nagpapa-throwback sa marami.
At kung sakaling na-miss mo nga ito at wala kang mabilhan, may easy recipe ang Zahra’s Kitchen. Panoorin at mukhang masarap ah! Madali pa ang steps! Gawa na!
Pinasaya rin ba kayo ng baston bread na ito?
You must be logged in to post a comment.