
Matapos kumalat nitong Martes ang usap-usapang namayapa na ang beteranong brodkaster at host na si Mike Enriquez, opisyal nang inanunsyo ng GMA Integrated News ang malungkot na balitang wala na nga ito. Tuluyan na itong namaalam nitong ika-29 ng Agosto.
GMA Network Statement on the Passing of Mike Enriquez
“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel “Mike” C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023.”

Ang 71-anyos na brodkaster na Miguel Castro Enriquez ang buong pangalan ay magdiriwang sana ng kanyang ika-72 kaarawan sa Setyembre 29.
Isa sa mga pinagpipitagang television at radio newscaster si Sir Mike at itinuturing na isa sa mga pillars ng Kapuso Network. Naging Consultant for radio operations din siya ng GMA Network at presidente ng regional at radio subsidiary, RGMA Network Inc., at nagsilbi ring Station Manager ng Super Radyo DZBB 594 AM.
Naging anchor din siya ng “24 Oras” at host ng investigative docudrama show na “Imbestigador.”
Kabilang sa mga tatak Sir Mike ang mga linyahang Excuse me po!, ang Hindi ko kayo tatantanan! at Naloko na!
Nagtapos siya sa De La Salle University at naging propesor sa Broadcast Management ng DLSU.
Panoorin ang ulat ng 24-Oras ng GMA:
You must be logged in to post a comment.