Balik-tanaw: Kumusta na kaya ang mga dati mong katawagan sa telepono?

Telephone

Isa ka ba sa mga nakikipagtelebabad noon sa telepono? Nagkaroon ka ba ng mga ka-phone pal? Nagkaroon ka rin ba ng long distance sweetheart? Natatandaan mo pa ba ang pinakamagandang balitang narinig mo sa kabilang linya? E ang mga pinakamalalaking sikretong inamin sa iyo ng kausap mo rito?

telephone

Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, ibinahagi ng isa sa mga user ang litrato ng old school na telepono; na halos sa mga lumang pelikula, o hindi kaya ay sa mga palabas na sinauna ang setting, na lamang natin napanonood na ginagamit ng isang tao.

“Natawagan n’yo na ba ang mga mahal ninyo sa buhay gamit ang teleponong ito,” tanong ng miyembrong nag-post ng larawan na si Almira Francisco.

Telephone

Dito, nagsimulang magbalik-tanaw ang iba pang members ng nasabing Facebook group.

“Opo. ‘Yong may ka-phone pal ka tapos kapag matagal na kayong magkatawagan tapos biglang makikipag-eyeball,” wika ng Facebook user na si Sheilamarie Geronimo Roxas.

“Yes naman. Gan’yan ang phone namin noon. We needed it kasi madalas nasa abroad ang tatay namim,” pagbabalik sa nakaraan ni Florie Cervania.

Telephone

“Inaabot pa noon ng isang oras ang pag-aantay sa dial tone! Tapos busy ang number! Aruy! Etong telepono na ito rin ang laging dahilan bakit ako napapagalitan ng mga magulang ko. Sa kaka-telebabad! Hahaha!” kuwento ni Bopbop Orani .

Ikaw, nakagamit ka rin ba ng old school na telepono noong araw? Ano ang pinaka-hindi mo malilimutan sa paggamit ng device na ito? Isa ka ba sa mga naghahangad na magkaroon muli nito at magamit paminsan-minsan? Ibahagi ang kuwento mo sa comments section ng post na ito!