
Balikan natin ang panahong hindi pa mobile phone o tablet ang laruan ng mga batang Pinoy. Natatandaan mo pa ba ang mga walkie-talkie na idinisenyo sa imahe ng mga karakter mula sa sikat na fast food restaurant na Jollibee? Nagkaroon ka rin ba ng laruan ang kung tawagin ay Jolly Wacky Talky?
Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, nagbalik sa kahapon ang marami matapos mag-post ang isa sa mga miyembro na si Irvin Salazar ng mga litrato ng walkie-talkie na Mr. Yum at Jollibee. Aniya, bago nagkaroon ng cellphone ay ito muna ang ginamit nila ng kanyang kapatid.
“Ito talaga ‘yong pinakaunang phone namin ng kuya ko, e,” wika niya sa caption ng mga litrato.
“Hahaha mayroon kami ng kapatid ko, ‘pag nagkakagalit kami, diyan kami nag-uusap noong maliliit pa kami,” pagbabahagi ng member na si S. Datay.
“Pangarap ko makabili niyan noong bata pa ako,” sabi ni P. Valencia.
“Shout out sa mga classmate kong may ganito na ayaw magpahiram,” biro naman ni K. Javier.
Samantala, may mga nagsabi rin na naitabi pa nila ang mga classic na laruang ito na binili sa Jollibee.
“Mayroon pa rito niyan sa house namin hanggang ngayon. Pangatlong pair ng phone toys, walkie-talkie ng eldest daughter ko at eldest son ko. Kasi ‘yong una at pangalawang fone nila dito sa house e ‘yong may wire,” pagbabahagi ni S. G. Roxas.
“I still have the one I bought before for my kids. Now, they are 28 and 27 years old,” sabi naman ni T. Valenzuela.
At kung nais mo namang magkaroon muli nito, aba, may nag-aalok pala ng ganito mismo.
Sa post ni Deng R, Manalang sa Jollibee and McDonalds Toy Collectors PH Facebook page ay makikitang may stock sila nito. Aniya, “For sale: Vintage JOLLIBEEE WACKY TALKY (walkie talkies)
Issued way back year 2000. Pristine condition. Unopened original box, have not tested if still working. Original battery included in package/box/never removed. GREAT RARE TOY FOR COLLECTORS! P2,500 each (2 boxes available)”
Ikaw, nagkaroon ka rin ba ng Jolly Wacky Talky noong bata ka? Naitago mo pa ba ito o naipamana sa mga anak mo? Ano-ano ang naaalala mo kapag nakikita ito o ang larawan nito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay tayong magbalik sa kahapon!
You must be logged in to post a comment.