
Tanda mo pa ba ang “pambansang inuman ng kape” para sa mga Pinoy noon?
Sa umaga man o sa malalamig na gabi, sa meryenda o sa simpleng kuwentuhan o sa gitna ng pag-iisip at pag-iisa, palaging may lugar ang mainit na kape sa mesa. Pero dati, bukod sa partisipasyon ng inuming ito, may isa pang bidang-bida sa mesa ng mga taong umiinom nito: ang tinaguriang “pambansang inuman ng kape”.
Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., ibinahagi ng isa sa mga admin ang litrato ng sisidlan na madalas gawing inuman noon ng kape. Tanong ng isa sa mga admin sa caption ng larawang ini-upload niya, “Nagkaroon din po ba kayo ng ganitong baso?”
Marami pa ang nakakaalala na ang babasaging baso na ito ay lalagyan talaga ng powdered instant coffee!
Kasabay ng pagpo-post ng litrato ay ang pagbabalik naman sa nakaraan ng mga social media user na minsan ding gumamit nito o nakakita ng mga kasama sa bahay na gumagamit nito.
“Gamit namin noon kina Lola. Ganiyan ang gamit na baso noon kasi ‘pag bumili ka ng kape na pantimpla, Nescafe man o Blend 45, ‘yan ang lalagyan. Nagagawang baso kapag naubos na ‘yong pantimpla na laman,” kuwento ng social media user ni R. Pedral.
“Kasabayan po n’yan ‘yong baso ng Lily’s Peanut Butter. ‘Yong ganoon din po binibili ng Inay para kapag naubos ang laman, puwede gawing baso naman!” pagbabalik-tanaw ni J. F. Gavino.
“Yes, basta bumili ng kape na Nescafe, tiyak mayroon na kaming dagdag na baso. Pero napakadalang namin bumili ng kape na nasa baso kasi malimit ang naming kape ay barako or sinangag na binilad ng bigas,” saad naman ng Facebook user na si S. A. Lasheras.
Ikaw, nakagamit ka rin ba ng ganitong klase ng baso noon? Balikan ang mga alaalang nabuo habang umiinom dito at ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!
You must be logged in to post a comment.