
Sa gitna ng mga hindi matapos-tapos na tanong at ispekulasyon, nagsalita na ang aktor na si Jak Roberto tungkol sa hiwalay na paglalakad nila ng kasintahan niyang si Barbie Forteza sa red carpet ng GMA Gala 2023.
Ayon sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel, ipinaliwanag ni Jak na nagpasya sila ni Barbie na mag-solo sa red carpet para mas mabigyan ng pansin ang kani-kanilang mga kasuotan.
“Para ano mas ma-emphasize yung design nung damit, mas makalakad nang solo,” aniya. “Magandang bagay din ‘yon para talagang mai-flaunt mo ‘yong suot mo and ma-establish mo ‘yong sarili mo sa camera.”
Paglilinaw pa ng aktor, mag-isa rin naman silang naglakad sa red carpet noong nakaraang taon at hinintay niya na lamang ang aktres sa kalaunan para sabay nilang mabati ang kanilang mga tagahanga.
“Last year din. Solo kami, solo-solo tapos inantay ko lang siya do’n sa dulo para mag-hi-hello lang sa mga Team JakBie,” pagpapatuloy niya.
Matatandaang labis na umingay ang hiwalay na pagdating ng dalawa lalo na at sobrang popular ngayon ng tambalang BarDa o ang tambalan nina Barbie at David Licauco na nagsimula sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra bilang “FiLay” galing sa pinagsamang pangalan ng mga karakter nila na Fidel at Klay.
[RELATED – David Licauco liligawan ba ang ka-love team na si Barbie kung wala itong kasintahan?]
Sa panayam kay David ng beteranong host at talent manager na si Ogie Diaz, sinagot nito kung sa tingin ba niya ay pinagseselosan na siya ni Jak.
“I feel like naiintindihan naman ‘yon ni Jak, ‘yong situation, kasi artista rin siya. Siguro kapag hindi siya artista, I’m pretty sure magseselos siya sa gano’n kasi hindi niya alam yong kumbaga situation sa industry,” wika niya. “But I feel na mabait si Jak na tao.”
“And I feel like he is secure naman with himself. I don’t think that’s an issue. I mean, at least for me. Hindi ko alam kung mayro’n silang gano’ng klaseng issue. But I don’t think so,” pagpapatuloy pa ng aktor.
You must be logged in to post a comment.