
‘Bahay Kubo’ raw ang awiting pampatulog ng aktres na si Winwyn Marquez sa kanyang anak na si Luna. Pagbabahagi ng award-winning actress, ito ang paboritong lullaby ng anak kahit pa kapag nagkakaroon ito ng karamdaman.
Sa Instagram, ini-upload kamakailan ni Winwyn ang video niya habang inihehele ang bata at kumakanta ng Bahay Kubo. Dito, ikinuwento niya na paborito ito ng kanyang supling na si Luna.
“Bahay Kubo is Luna’s fave lullaby song. When she got sick gusto niya na ganito ihele,” aniya.
Naibahagi rin ng aktres kung gaano niya pinahahalagahan ang mga sandaling katulad nito dahil alam niya na mabilis lang ang oras at hindi niya habang panahong mahahawakan at maihehele ang kanyang munting prinsesa.
“Every day, I wake up to the sound of my baby’s laughter and cries. As I go about my day, I try to cherish every moment I spend with my child,” wika niya.
“Whether it’s playing with toys, going for a walk, reading a storybook, or nap times like this…every moment spent with my baby is special. However, as much as I want to hold my baby like this forever, I know that it’s not possible. That is why I try to make the utmost of every moment. So, I’ll continue to hold my baby tight and enjoy every moment we spend together, knowing that these memories will last a lifetime,” pagpapatuloy pa ng ina.
Inspirasyon ni Winwyn ang kanyang anak at ito rin ang dahilan kaya pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho at karera. Matatandaang nakasungkit na ang aktres ng Best Actress award sa International Film Festival Manhattan sa Amerika matapos itong bumida sa suspense-thriller film na Nelia.
“Puro nominated lang ako pero before bilang kontrabida role and then for hosting. Pero hindi pa ako nananalo at all so no’ng sinabi sa akin sabi ko, ‘Totoo ba? Jino-joke n’yo ba ako?’ Or parang nominated lang ba, pero ‘yon pala oo nga,” aniya.
[RELATED – Winwyn sa Manhattan film Fest Best Actress award: ‘Inaantay ko kasi baka bawiin o nagkamali lang’]
Ang nasabing tagumpay ay inialay niya sa kanyang anak.
You must be logged in to post a comment.