Sharon Cuneta, Atty. Kiko Pangilinan ibinida ang anak; ‘prom girl’ na si Miel

Mga larawan mula sa IG ni Sharon Cuneta/Kiko Pangilinan

Masayang ibinida ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang anak na si Miel Pangilinan na dumalo sa promenade ng kaniyang paaralang pinapasukan.

Suot ni Miel ang isang fuchsia off-the-shoulder silk gown.

“Miel went to her prom last night! We were so very proud of our beautiful girl. And we are so proud of her upcoming High School Graduation which is in a few days!” mababasa sa Instagram post ng Megastar.

Hindi raw makapaniwala si Sharon na 18 years old na ang kaniyang bunsong anak na babae. Ilang panahon na lamang at magiging kolehiyo na ito gaya ng kaniyang Ate Kakie (Frankie Pangilinan).

“I cannot believe my bunso baby girl is now eighteen and about to take a gap year before going off to college also in NYC like her Ate Kakie (who came home about a week ago for a break)!”

“We love you, Yellie!” ani Mega.

Finlex din ng dating senador at vice presidential candidate Atty. Kiko Pangilinan ang kaniyang anak na si Miel sa Twitter.

“Pre prom photo opp! My baby is now a lady,” ani Kiko.

At tila may pahabol pa siyang hirit tungkol sa color combination ng kanilang damit. Matatandaang green ang kulay ni Kiko subalit mas naiugnay ito kay Vice President Sara Duterte na nakatunggali niya noong nagdaang halalan, ka-tandem ng kasalukuyang Pangulo ng bansa na si Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kanilang “UniTeam.”

“P.S. Nice combination of colors,” ani Kiko.

Samantala, matatandaang inamin ni Miel na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community noong Hunyo 2022, kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month. Aniya, ina-identify niya ang sarili niya bilang isang “queer.”

“This june, I am celebrating my first pride month as openly and publicly queer,” ani Miel sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 14, 2022.

“I really can’t figure out the words to say right now. it’s a really emotional and freeing time right now, and I’m endlessly thankful to my close friends and family who have supported me and shown me love as I’ve grown and explored my own gender and sexual identity,” dagdag pa niya.