
Parang kamakailan lamang nang mag-viral ang ‘promposal‘ ni Andrea Brillantes sa nobyo niyang si Ricci Rivero sa nakalipas na concert ng K-Pop group na Blackpink.
Sa gitna ng mga espekulasyon kaugnay sa kanilang paghihiwalay diumano ay nag-tweet na ng kanyang saloobin ang 25-anyos na basketball player-actor.
Kinumpirma niyang nag-break na nga sila ng 20-anyos na nobya, ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
Nitong ika-9 ng Hunyo ay naghayag siya sa pamamagitan ng Twitter ng kanyang saloobin kasabay ng pagkumpirma na naghiwalay na nga sila.
Aniya sa kanyang tweet, “I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship.”
Hindi man niya tuwirang pinangalanan ang aktres, batid naman ng publiko ang kanilang naging bukas na relasyon at ilang mga kaganapan sa kanilang dalawa.
Hiniling din niya na itigil na ang mga haka-haka at pagkaladkad pa sa ibang ‘characters’ sa mga maling paratang. Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nadismaya at nakiusap na hayaan silang maghilom at makausad nang mapayapa nang walang galit o sakit.
“I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain.”
Abril ng 2022 nang publicly ay tinanong niya si Andrea kung payag ba itong maging girlfriend niya na sinagot naman ng huli ng ‘Yes.’ Nakaisang taon rin naman ang relasyon ng dalawa.

Basahin: BF, kapatid ni Andrea Brillantes rumesbak sa mga basher ng viral ‘promposal’
Well, celebrity or not, relationships take time bago ito mapatunayang pang-‘forever.’ Goodluck to both.
You must be logged in to post a comment.