Dambuhalang pusang sinlaki ng aso, nagpamangha sa netizens

Mga larawan mula sa FB ni Zy De/Zaide Javile

Hindi na bago sa mga Pilipino ang pagturing na tila miyembro ng pamilya sa mga alagang aso at pusa, dahil parang sa isang anak o nakababatang kapatid, talagang pinagkakagastusan ito lalo na pagdating sa pagkain at pangangailangang pangkalusugan.

Kaya naman, kung mag-aalaga ng aso at pusa, bukod sa pagkain at panggastos para sa bitamina at check-up nito sa beterinaryo, mahalagang may sapat na espasyo sila sa loob ng bahay o bakuran lalo na kung may kalakihan sila.

Katulad na lamang ng dambuhalang pusang alaga ng isang nagngangalang “Zaide Javile” mula sa Bacolod City, Negros Occidental, na napagkakamalang tigre o kaya naman ay isang aso na “Siberian husky.”

Trending ang kaniyang Facebook post dahil sa karga-karga niyang malaking puting pusa.

Ang pangalan ng naturang aso ay “Indigo,” isang Maine Coon European Linage, dalawang taong gulang, at may bigat na 7 kilograms.

Ayon sa ulat ng Balita, nakuha niya si Indigo sa isang Russian breeder, at kaya pa nitong lumaki at bumigat hanggang sa 12 kilograms sa loob ng limang taon.

“Hanggang ikalimang taon niya pa po maabot ang kaniyang optimum growth,” anang furparent.

May sariling area o space si Indigo dahil nga sa laki nito, nang sa gayon ay makapaglaro-laro ito.

Sa ulat naman ng Be an INQUIRER, ibinahagi ni Javile ang mga katangian ni Indigo.

“Very calm and (temperamental), (they) get along with other dogs and animals—even with little children. Mahilig (din) sila sa tubig at matalino. You can teach them tricks, and I like that they also make chirping sounds,” aniya.

“(Sobrang) regal (nila) despite their fierce and intimidating appearance,” dagdag pa niya.

May payo rin siya sa mga cat lovers na nagnanais ding mag-alaga ng Maine Coon cat breed.

“Before you decide to have these cats, read and know more about them: their health, character, and maintenance. Overall, they are one of the best breeds of cats I have,” aniya pa.