‘Long overdue’: Planong ‘privatization’ ng NAIA, suportado ng ilang senador

Suportado ng ilang senador ang planong pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng problemang kinaharap ng pangunahing paliparan ng bansa nitong mga nagdaang buwan.

Para kay Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public services, dapat ay matagal na itong ginawa at naiwasan sana ang mga ‘kapalpakan’ ng NAIA na nagparusa sa mga pasahero.

Katunayan umano, isa ito sa mga rekomendasyon niya matapos ang imbestigasyon sa nangyaring problema sa NAIA noong Enero 1, 2023 na pumilay sa operasyon ng NAIA nang ilang araw.

“The privatization of NAIA is a proposal not only whose time has come, but is also well past its due,” ayon sa pahayag ni Poe.

“We could have averted the glitches that messed up the flight schedules and inconvenienced thousands of travelers had the modernization of the airport’s air traffic control and operations been undertaken years ago,” wika pa ng senador.

Kailangan lang daw na siguruhin na ang makukuhang pribadong concessionaire ay talagang may commitment na maaayos ang serbisyo ng NAIA.

Halimbawa umano nito ang Mactan-Cebu International Airport na talagang maganda ang naging epekto sa turismo at serbisyo sa Kabisayaan.

“We have seen how the transformation of the Mactan-Cebu International Airport by a private consortium and its improved services and facilities have positively impacted on tourism and passenger experience,” pahayag ng mambabatas.

“This could be a template for the modernization of the NAIA operations. It’s time to start fixing our country’s premier gateway. Filipinos and foreign travellers deserve a better airport,” dagdag pa ni Sen. Poe.

Sinegundahan naman ito ni Sen. Francis Escudero na nagsabing kailangan lang daw na linawin kung aling kontrol ang mapupunta sa private concessionaire at alin ang maiiwan pa rin sa gobyerno.

“Further, they should do so in compliance with the applicable procurement procedures in accordance with law and relevant regulations,” pahayag ng Bikolanong senador.

Sang-ayon din si Escudero na ang mas magandang serbisyo ang naibibigay ng mga pribadong kumpanya kumpara sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Noong isang linggo ay pormal nang inilatag ng DOTr ang planong pagsasapribado ng NAIA, ilang araw matapos magreklamo na naman ang mga pasahero dahil sa nararanasang haba ng pila sa mga check-in at check-out counters na tila hindi na nasusulusyonan ng mga namamahala.