‘Pera o lalaki?’ Kakai Bautista ibinahagi ang saloobin tungkol sa pag-aasawa

Mga larawan mula sa Fb ni Kakai Bautista

Ibinahagi ng komedyante at tinaguriang “Dental Diva” na si Kakai Bautista ang kaniyang saloobin at pananaw tungkol sa pag-aasawa.

Aniya sa kaniyang Facebook post noong Hunyo 4, bagama’t masaya siyang single, dumarating din sa isipan niya na mag-entertain ng mga lalaki.

Ngunit mas nananaig daw sa kaniya ang kagustuhang mas kumita ng pera kaysa “lumandi.”

“Minsan gusto din talagang lumandi at mamansin ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya.
KAILANGAN ko PERA,” aniya.

Tila inunahan naman ni Kakai ang mga netizen na posibleng pumalag sa kaniyang mga nasabi.

“Bawal dito mga di kayang mabuhay walang LALAKI.”

“Papait kayo sa mga statements ko.”

“Nakakatawa yung mga comments na dapat ‘kaya kang buhayin’ or ‘wag na na kung di ikaw ang bubuhay.'”

“HINDI KO YUN HAHAYAANG MANGYARE SA AKIN. Kase di ako kailangang buhayin ng LALAKE. Una AYOKO. Kailangan mas mayaman ako sa kaniya. Pangalawa kung mag-aasawa ako, hindi ko kailangang maging dependent sa pera nya. NO. Yuck for that mindset.”

“At hindi ako makikipagrelasyon sa WALANG PERA. Periodt.”

Nag-react din siya sa isang commenter na nagpayong kung ayaw niyang mag-asawa, at least ay magkaroon siya ng anak upang may mag-alaga sa kaniya sa pagtanda.

“Kaya kong magbayad ng mag-aalaga sa akin. HINDI AKO MAG-AANAK para obligahin silang MAG-ALAGA sa akin sa PAGTANDA ko. Aalagaan ko sila at palalakihin sa mindset na magkukusa sila.”

Sa isa pang Facebook post, muling nilinaw ni Kakai ang kaniyang mga binitiwang pahayag.

“Don’t get me wrong, naniniwala (pa rin) ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang. Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage. BAKIT?”

“Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit.”

“Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala syang sariling pera.”

“Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.”

“So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!”

Ayon sa ulat ng Balita, tila marami namang kababaihan ang sumang-ayon sa mga tinuran ni Kakai.